TV

PEPITO MANALOTO: Paano maging isang social media sensation?

Usapang viral video ang tampok sa episode ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento ngayong darating na Sabado, September 3.

Mukhang nangangamoy tampuhan ang mangyayari sa pagitan nina Chito, Nikki at kanilang beki-friend na si Roxy. 

Gustong-gusto kasi ni Roxy na maging viral video queen, kaso wala namang nagla-like sa mga video posts niya sa internet. Magugulat na lamang ang lahat ng ang duet nina Chito at Nikki ay naging isang viral hit. Paano kaya ito  tatanggapin ni Roxy na mas sumikat pa ang kaniyang mga kaibigan kaysa sa kanya? 

Ito namang bunsong anak nina Pepito at Elsa tuwang-tuwa sa paggawa ng mga video. Sinusubukan ni Clarissa na maging kakatawa ang lahat ng kaniyang mga video upload para makakuha ng maraming likes. 

Kaso, biktima ang mag-asawang Manaloto sa mga pranks ni Clarissa para sa kaniyang video posts. 

Magawa kayang harapin nina Pepito at Elsa si Clarissa para matigil ang mga pranks niya?

Tiyak mapupuno na naman ng katatawanan ang episode ng weekend sitcom na super like ng bayan. Kaya tumutok palagi sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, tuwing Sabado ng gabi bago ang Magpakailanman. 

More on PEPITO MANALOTO:

'EXCLUSIVE: Ano ang payo ni Nova Villa sa tuwing mabubulol sa taping ang co-star nito na si Ronnie Henares?

'Co-stars ni Arthur Solinap sa 'Pepito Manaloto' todo suporta sa kanyang engagement

Julie Anne San Jose, parte ng creative team ng 'Pepito Manaloto?'