TV

READ: Michael V drops hints about possible new characters joining 'Pepito Manaloto'

By AEDRIANNE ACAR

Kapana-panabik ang mga susunod na mangyayari sa paborito niyong Saturday night sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Ayon sa main star at creative director na si Michael V, huwag daw papalampasin ang mga bagong karakter na mapapanood sa multi-awarded comedy program ng Kapuso channel.

Saad ni Bitoy, “May iba pang mga dadagdag eventually. Sana nga walang umalis para ‘yun ang pangarap ko.”

Dagdag ni Michael V na pangarap niya na mas lalong lumaki pa ang Pepito Manaloto family niya at hiling daw niya na wala nang umalis sa current cast.

“Kasi noong una ‘yung Book One si Carmina (Villaroel) medyo kinailangan umalis. So medyo nalungkot ako nun. Itong grupo na ito, itong pamilya ng Pepito Manaloto ang wish ko kundi lumaki, wala na lang, umalis wala nang mabawasan.”

Ilang tulog na lang at mapapanood n'yo uli mga Kapuso ang adventure ng milyonaryo natin bida na si Pepito. At para lalo kayong ma-excite sa episode this weekend, ito ang patikim sa mga mangyayari sa Sabado:


MORE ON 'PEPITO MANALOTO':

IN PHOTOS: First look at 'Pepito Manaloto's' Summer Special in Quezon province

WATCH: Arthur Solinap, bakit muntik nang magtampo sa cast ng 'Pepito Manaloto?'       

WATCH: What you've missed from 'Pepito Manaloto' (March 4)