TV

WATCH: Sweet reunion ng JaBea sa 'Pepito Manaloto' this June 24!

By Aedrianne Acar

Todo ang pag-iwas ni Chito (Jake Vargas) na magpunta sa kaniyang high school reunion.

Ano o sino kaya ang pinagtataguan ng guwapong anak ni Pepito (Michael V)? May kinalaman kaya rito ang dating girlfriend ng binata na si Erika (Bea Binene)?

At tila kinakabahan naman sina Elsa (Manilyn Reynes), dahil may pagbabago silang mapapansin kay Maria (Janna Dominguez).

Bukod sa masama palagi ang pakiramdam ng kasambahay ay lagi itong mainitin ang ulo.

Tama kaya ang hinala nina Baby (Mosang) at Patrick (Arthur Solinap) na nababaliw na si Maria?

Ngayong Sabado, babaha ang kilig at katatawanan sa multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng 24 Oras Weekend.