TV

JakBie, nagpakilig online sa guesting nila sa 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar

Bumuhos ang mga tweets ng mga Kapuso sa nakakakilig na episode ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento dahil special guests last Saturday night sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Sunod-sunod ang mga post ng mga JakBie fans na tinutukan ang karakter nina Eric at Kat-Kat.

 

 

Nagpasalamat naman ang Pambansang Abs na si Jak Robero sa mainit na suporta ng mga Kapuso sa episode nila sa Pepito Manaloto.

 

 

Para sa mga naka-miss ng eksena ng JakBie, balikan ang mga memorable moments nilang dalawa sa hit sitcom sa video below.