TV

#FlashbackFriday: Naalala n'yo pa ba ang 'poorita' days nina Pepito at Elsa?

By Aedrianne Acar

Walong taon na nagbibigay ng saya at magagandang aral ang multi-awarded Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Kaya naman nagbalik-tanaw ang lead actress nito na si Manilyn Reynes sa pamamigitan ng pagpost ng isang old throwback photo nila ni Michael V bilang Pepito at Elsa bago sila tumama sa lotto.

#Throwback: Remember when Manilyn Reynes was featured on the cover of notebooks?

Marami namang netizens ang nag-react sa throwback photo na ito ni Manilyn at sinabing certified fans sila ng Pepito Manaloto since day one.

Kaya huwag papahuli sa mga adventures at misadventures ng pamilya Manaloto tuwing Sabado ng gabi sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagkatapos ng 24 Oras Weekend.