TV

Pepito Manaloto: Deedee Kho, sasabak sa gay beauty pageant?

By Aedrianne Acar

Humanda kayo sa matinding awrahan sa Pepito Manaloto this Saturday!

Pumayag kaya si Deedee [Jessa Zaragoza] na sumali sa isang beki beauty pageant matapos paki-usapan ng gay ex-boyfriend ni Berta [Jen Rosendahl] na si Joey?

Matinding laban ang haharapin ni Deedee lalo na't may dalawang fierce kontesera na ayaw pakabog!

Paghihinalaan naman ni Tere [Cherry Malvar] na itong si Pepito [Michael V] ay may kabit!

Ano na lang ang gagawin ng mali-maling si Tere kapag dumating si Elsa [Manilyn Reynes] at maabutan si Pitoy kasama ang mystery woman sa kaniyang opisina?

Mag-enjoy sa funny sitcom na tinutukan ng buong bayan, Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Daddy's Gurl!