TV

Pepito at Patrick, magiging hadlang sa kasal nina Mang Benny at Nanay Rosa? | Teaser

By Aedrianne Acar

Laging magkasangga ang BFF na sina Pepito (Michael V.) at Patrick (John Feir).

Pepito Manaloto: Mga naabutan na pagbabago at milestones ng sitcom sa loob ng 10 taon

Pero manatili pa rin kaya ang mabuting pagsasamahan ng dalawa kapag malaman nilang ang mga magulang nila na sina Mang Benny at Nanay Rosa ay nagkaibigan at may plano nang magpakasal?

Ready na kaya sila maging stepbrothers o hahadlangan nila ang wedding ng mga ito?



Stay strong and stay safe mga Kapuso sa ating mga tahanan at manood ng award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, ngayong Sabado ng gabi, May 30, pagkatapos 24 Oras Weekend.