TV

WATCH: Direk Ronnie Henares, umamin na may malaking pagkakautang sa isang tao

By Aedrianne Acar

Naging emosyonal ang lahat ng cast ng Pepito Manaloto nang marinig nila ang New Year's resolution ni Direk Ronnie Henares sa episode ng award-winning sitcom nitong Sabado, December 26.

Sa episode, kumasa sa 'Akin 'yan!' game ang mga bida ng Kapuso sitcom, kung saan hinulaan nila kung kanino ang New Year's resolution na binabanggit ng kanilang creative director na si Michael V.

Isa sa mga ito ang resolution na : “Gusto ko iparamdam sa partner ko kung gaano ko siya kamahal araw-araw. 'Yung tipong every minute of every day dama niya ang love ko para sa kanya.”

Umamin si Direk Ronnie na gumaganap bilang si Tommy sa Pepito Manaloto na may malaki siyang pagkaka-utang sa isang mahalagang tao sa kanyang buhay.

Makikita na hindi napigilan ng ilan sa cast tulad ni Manilyn Reynes na ma-touch sa New Year's resolution ni direk.

Ayon kay Ronnie, “Na-realize ko 'tong pandemic these past 9-10 months I could see how my wife love me and took care of our family.

“Sobra-sobra na 'yung utang ko sa kanya.”

“I mean I have to give back, the love she has been giving our family and talagang nakikita ko na talagang sincere talaga siya, 'tsaka she's really a great, great person.

“And she deserves all the love that we can give.”

Para naman sa celebrity mom na si Chariz Solomon na ipinanganak ang third baby niya noong Setyember via cesarian section, na gusto niyang madevelop ang maging good listener sa 2021.

Paliwanag niya, “Ako magli-listen ako sa mga nangyayari sa paligid ko,sa mga anak ko, sa partner ko,

“I have to listen to them first to what they have to say and understand na hindi lang iisa 'yung tamang bagay sa lahat ng sitwasyon.”

May dalawang anak na si Chariz sa dati niyang partner na si Nestor Ng na sina Apollo at Ali. Samantala, pinangalanan naman niya ang kanyang new baby na si Andreas Manolo.

Balikan ang ilan sa milestones ng Pepito Manaloto sa loob ng isang dekada sa gallery below.

Related content:

Episodes ng 'Pepito Manaloto' Book One, hit sa mga netizen!

Pepito Manaloto: Mga naabutan na pagbabago at milestones ng sitcom sa loob ng 10 taon