
Mapapanuod na sa July 17 ang unang kuwento ng pag-iibigan nina Elsa Manaloto (Manilyn Reynes) at Pepito Manaloto (Michael V.) na magsisimula sa kabataan nila noong '80s.
Nagsimula noong June ang lock-in taping ng cast members ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento. Isa sa mga aktor ng prequel ay ang batikang komedyante na si Pokwang.
Inside link:
Sa larawang ibinahagi ni Pokwang sa Instagram, makikita ang iba pang cast members na sina Sef Cadayona, Angel Guardian, Kokoy de Santos, Gladys Reyes, at Mikee Quintos habang nasa loob ng isang tent.
"E 'yung masaya lang at good vibes ang lahat sa tent," pagbabahagi ni Pokwang.
Sina Sef at Mikee ang bibida bilang batang Pepito at batang Elsa sa prequel. Gagampanan naman ni Kokoy de Santos ang batang Patrick.
Samantala, tingnan sa gallery na ito ang iba pang celebrities na bibida sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento: