
Tila may bago na mauutangan ang resident scoundrel ng Pepito Manaloto na si Tommy, na ginagampanan ng actor, producer, at talent manager na si Ronnie Henares.
Napa-react si Ronnie sa viral meme na gawa ni @thatConfusedTrader tungkol sa karakter niyang si Tommy at sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.
Sa Instagram post ni Direk Ronnie, napahirit siya ala Tommy, “Somebody is spreading this around! Sa bagay, mahigit nang isang milyon ang utang ko kay Pepito.
"Siguro naman, sa daming milyon makukuha ni Hidilyn, baka pwede niya ako ibalato ng isang milyon man lang!”
Tuwang-tuwa naman ang co-stars ni Ronnie sa Pepito Manaloto sa funny post niya tulad nila Manilyn Reynes at John Feir.
Dahil sa karangalan na nakamit ni Hidilyn, ilan sa matatanggap niyang incentives ay cash prizes, properties, at van.
Bibigyan din siya ng free air flights at mga lifetime supply ng iba't ibang produkto.
Bukod kay Hidilyn, ang Pinoy boxing athlete na si Nesthy Petecio ay sigurado na ring makapag-uuwi ng medalya.
Lalaban si Nesthy sa semifinal round ng women's featherweight division kontra kay Irma Testa ng Italy sa Sabado, July 31.
Kung manalo si Petecio kay Testa ay mas malapit na siya sa inaasam-asam niyang ginto sa Tokyo 2020 Olympics.
Related content:
Throwback photo ni Direk Ronnie Henares, nagbigay ngiti online!