TV

Pepito Manaloto: Abangan ang reunion nina Mikee Quintos at Kate Valdez ngayong Sabado

By Aedrianne Acar

Totoo ba ang tsismis na may bibisitang sang'gre sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento?

Well, tama ang balitang nakarating sa inyo dahil special guest this week ang Encantadia co-star ni Mikee Quintos na si Kate Valdez!

Sa episode ng high-rating Kapuso sitcom sa September 11, matsi-tsismis si Pepito (Sef Cadayona) na nililigawan niya ang “it girl” sa batch nila na si Judy (Kate Valdez).

Paano tatanggapin ni Elsa (Mikee Quintos) na baka hindi sila meant to be ni Pitoy?

Ano ang gagawin ng bida natin para mapatunayan kay Elsa na siya lamang ang tinitibok ng puso niya?

Hitik sa tawanan at good vibes ang episode ng Pepito Manaloto dahil special guest din this weekend ang former Miss Universe Philippines title holder na si Maxine Medina, Barbara Miguel, at Rolly Inocencio.

Bawal umabsent sa LOL moments ng Pepito Manaloto ngayong September 11, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa oras na 6:15 p.m..

Behind-the-scenes photos of 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'

TINGNAN: Ang mga bida sa bagong 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'