TV

Manilyn Reynes, wagi bilang Best Comedy Actress sa PMPC Star Awards for Television

By Aedrianne Acar

Buong-puso inihayag ni Manilyn Reynes ang saya niya nang manalo ang Pepito Manaloto sa katatapos na 34th Star Awards for Television.

Itinanghal na Best Comedy Show ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang flagship-sitcom nila ni Michael V., ang Pepito Manaloto.

Samantala, panalo rin si Manilyn sa bilang Best Comedy Actress, na nakamit din niya noon sa 2016 PMPC Star Awards.

Taos-puso ang pasasalamat ng actress-singer sa kanyang home network, ang GMA Network, para sa parangal niyang nakuha.

“Sa inyong lahat po na bumubuo ng PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Television, maraming salamat po sa Best Comedy Show award ng Pepito Manaloto at sa pagkilala sa akin bilang Elsa Manaloto, salamat po sa aking Best Comedy Actress award.

“Salamat po ng marami sa Kapuso GMA 7, sa pagkakataong ibinigay niyo sa akin na mapasali sa palabas na ito.”

Inialay din niya ang dalawang tropeo mula sa Star Awards for Television sa production team ng kanilang sitcom

“Nakakasaya po ng puso ang mapansin ang pinagsamang trabaho ng bawat isa sa amin sa show~ mula sa creative team, artists, staff at crew at buong production.

“Sa aming avid viewers mula simula hanggang ngayon, sa Aking Manilynians, datihan o bagong sibol man, at siyempre, kay Aljohn, my husband and manager - sa mga bata sina Kyle, Kirk, Kael at Mickey, at sa aming mga kamag-anak sa iba't-ibang panig ng mundo, maraming salamat.”

“Congratulations, as well, to all the nominees and winners

“Muli, salamat po, Star Awards. Maraming salamat po, dear God, dear Jesus. Congrats sa ating lahat, Pepito Manaloto Family!”

Nagpaabot din ng pagbati ang loyal fans ni Manilyn sa nakamit niyang tagumpay.


Source: manilynreynes27 (IG)

Samantala, narito ang ilangthrowback photos ng Pepito Manaloto actress na si Manilyn Reynes sa gallery below.