TV

Pepito Manaloto: Tommy is back in Caniogan!

By Aedrianne Acar

Mapapa-Tommy, my friend tayo ngayong Sabado.

Dahil ang “tusong” si Tommy (Gabby Eigenmann) magbabalik ul isa Caniogan.

Una nating nasilayan ang pagganap ng Kapuso versatile actor na si Gabby Eigenmann bilang Tommy noong September 2021 na ginampanan sa original story ng actor-director na si Ronnie Henares.

Ngayong January 15, ano ang pakay ni Tommy sa lugar ni Pepito?

Malaman kaya ni Nanay Rosa (Gladys Reyes) ang pina-plano ng dayo sa kanilang bayan?

Sobrang happy naman ng bida natin na si Pitoy (Sef Cadayona) na hindi natuloy ang pagbalik ni Elsa (Mikee Quintos) sa Cebu.

Finally, makaka-porma na kaya ang binata sa kanyang crush o bantay-sarado pa rin si Tiyang Lena (Sherilyn Reyes-Tan) sa anak ni Mang Benny (Archie Alemania)?

Walang iwanan at tuloy-tuloy ang tawanan sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, sa Sabado Star Power sa Gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.