TV

Pepito Manaloto: Romantic date nina Clarissa at Jacob, mangyayari na ngayong Sabado ng gabi!

By Aedrianne Acar

Mapupuno ng kilig ang episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado ng gabi, May 27, dahil ang anak nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) na si Clarissa (Angel Satsumi), may date with Jacob (Sparkle cutie John Clifford)!

Pero mukhang malilito ang unica hija ng Manaloto couple kung ano na ba ang setup ng date ngayon: Dapat ba ang lalaki ang magbabayad tulad ng sabi ni Elsa or KKB (Kaniya-kaniyang bayad) na sabi naman ni Kuya Chito (Jake Vargas) niya?

Magiging extra romantic kaya ang gala nina Clarissa with Jacob o hashtag 'awkward' ang mangyari sa cute couple?

Bawal umabsent sa panonood ng nakaka-“GV” na episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento kung saan makakasama pa natin sina Sophia Senoron, Simon Ibarra, Dennis Coronel, Claire Castro, at Sparkle Teen na si John Clifford.

Bukas na 'yan, May 27 after Amazing Earth sa oras na 7:00 p.m.

KILALANIN ANG SPARKLE CUTIE NA SI JOHN CLIFFORD DITO: