TV

Pepito Manaloto: May kumakalat na virus!

By Aedrianne Acar

Back to quarantine mode ba ang Manaloto fambam?

Sa upcoming episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong August 19, kalat na kalat ang balita sa lugar nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) na may mga kasambahay ang tinatamaan ng sakit kung saan namamaga ang kanilang mga kamay.

Kahit sina Baby (Mosang), Maria (Janna Dominguez), at Robert (Arthur Solinap), makakaranas din ng sintomas!

Ano kaya ang dahilan sa pagkalat nito?

Totoo kaya ang sinabi ni Pitoy na baka may bagong virus na naman?

Mas masaya ang all-new episode ng Pepito Manaloto, dahil makakasama natin ang mga Sparkle stars na sina John Clifford, Marco Masa, Vince Maristela, at Sophia Señoron.

Tumawa kasama ang buong pamilya, habang nanonood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento 6:15 PM (August 19), pagkatapos 24 Oras Weekend at bago ang Battle of the Judges.