TV

Pepito Manaloto: Pepito, sobrang galante sa isang potential business partner

By Aedrianne Acar

Mag-iinit ang ulo ni Elsa (Manilyn Reynes) sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong September 23.

Mabubuko ang ating bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) na nagpadala ng flowers at pagkain sa isang potential business partner nila sa PM Mineral Water na si Zsazsa Estrada (Sunshine Cruz).

Bakit kaya extra sweet si Pitoy sa maganda nilang client o nagkamali ba ito nang taong papadalhan?

Mukhang lagot si Pepito kung hindi niya ito maipapaliwanag kay Elsa!

Tutukan ang puno na good vibes na episode ng award-winning sitcom this weekend, kung saan makakasama rin ang mga guests na sina Princess Aliyah, Roxie Smith, Liza Lopez, at Sophia Señoron.

STUNNING PHOTOS OF SUNSHINE CRUZ:

Sulit ang pahinga sa weekend kapag nanood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento tuwing Sabado sa oras na 6:15 p.m. pagkatapos ng 24 Oras Weekend.