TV

Pepito Manaloto: Vincent, may booking kay Chito?

By Aedrianne Acar

Kailangan ng extra cash ni Chito (Jake Vargas) kaya may naisip siyang bagong raket sa next episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

Para hindi umasa sa kanyang mga magulang, papasok si Chito bilang rider sa delivery company na Papa Deliver.

Pero, mukhang ibang kuwento ang darating sa ating bidang milyonaryo matapos marinig ni Mara (Maureen Larrazabal) kay Vincent (Tony Lopena) na ibu-booking niya raw ang guwapong binata.

Mabuking ba si Chito sa ginagawa niyang booking?


Mas extra ang tawanan sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento dahil makakasama natin ang Sparkle artists na sina Kaloy Tingcungco at Rain Matienzo sa darating na March 18, 7:00 pm, pagkatapos ng Amazing Earth.

Masasaksihan n'yo na rin ang tawanan ng Pepito Manaloto sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.

BEST BONDING MOMENTS OF CHITO AND CLARISSA HERE: