TV

WATCH: Ara Mina at LJ Reyes, nahulog sa hukay!

By BEA RODRIGUEZ

Nagluluksa ang pamilya Esquivel sa pagkamatay ni Ephraim sa Pinulot Ka Lang sa Lupa. Puno ng mga magagandang alaala ang binilin ng binata sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

 
WATCH: Benjamin Alves, namaalam na sa ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’

 


Dumalo pa sa sementeryo ang mag-inang sina Mariz at Angeli na silang itinuturong may sala sa pagkamatay ni Ephraim. Sa kanilang panggugulo, galit at poot ang inabot nila kay Diony.
 

 


 
Hindi pa naililibing ang binata, nauna na ang mag-ina sa hukay. Matatalim ang salita ng inang nagdadalamhati, “Sa dami ng kasalanan ninyo, buhay pa kayo, gusto na kayong kainin ng lupa!”
 
Ramdam ang sakit na idinulot ng kanyang ampon, “Ngayon, Angeli, wala nang pupulot sa ‘yo sa lupa!”

 

 


 

Ang tindi raw ng sampal na nakuha ni Kapuso star LJ Reyes mula sa beteranang aktres na si Jean Garcia, “Ang sakit! Tumalsik ‘yung hikaw ko so ganun kalakas ‘yung sampal.”
 
Kwento pa ng talented actress sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com na may stunt double na gumawa ng eksena nila ni Ara Mina kanina sa episode, “Kahit sabihin namin na kaya namin to do the stunt, they have to protect us; [for] precautionary measures.”
 
Ngayong linggo nang pagbabayaran ni Angeli ang kanyang mga kasalanan, “Maldita eh, kailangan talaga ipakita natin sa show na hindi naman ever mananalo ‘yung masama.”
 
MORE ON PINULOT KA LANG SA LUPA:
 
MUST-WATCH: Sexy fight scene nina Julie Anne San Jose at LJ Reyes sa ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa,’ viral na!
 
READ: Benjamin Alves, na-awkward ka-bed scene si LJ Reyes