TV

MUST-WATCH: Jean Garcia, sinabunutan sina Ara Mina at LJ Reyes!

By BEA RODRIGUEZ

Napatunayang walang sala si Diony Esquivel sa sinampang kaso na Arson laban sa kanya kaya nakalaya siya kaagad ng kulungan. Ang kaniyang banta: “Kailangan maparusahan ang totoong may sala.”


Paglabas niya mismo ay sinugod niya ang bahay kung saan nagtatago sina Angeli at Mariz para sa kanila isampa ang kaso at para mahuli ang mag-inang itinuturong responsable sa pagkamatay ng kanyang anak na si Ephraim.

 

 

Nagtangka ang mag-ina na tumakas ngunit nahuli sila ng mga pulis. Unang sinabunutan ni Diony ang kanyang ampon kaya nagkaroon ng gulo at tuluyang nakatakas ang papel na ginagampanan ni Kapuso actress LJ Reyes.


Si Mariz ang inabutan ng mga pulis kaya nakatikim siya ng sabunot mula sa inang nagdadalamhati. Kasalukuyang nasa loob ng kulungan ang karakter ni Kapuso star Ara Mina.

 

 

Matunton pa kaya ng kampo ni Diony ang nakatakas niyang ampon o tuluyan nang matakasan ni Angeli ang kanyang mga kasalanan?

Tutukan ang huling dalawang linggo ng Pinulot Ka Lang sa Lupa, 4:15 p.m.

MORE ON 'PINULOT KA LANG SA LUPA':

WATCH: Ara Mina at LJ Reyes, nahulog sa hukay! 

READ: Jean Garcia, sumasakit ang ulo kina Julie Anne San Jose at LJ Reyes? 

MUST-WATCH: Sexy fight scene nina Julie Anne San Jose at LJ Reyes sa ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa,’ viral na!