
Kasunod ng successful stay-at-home Playlist Live nina Sofia Pablo, Althea Ablan at Elijah Alejo, ang Prima Donnas boys na sina Will Ashley, Julius Miguel at Vince Crisostomo naman ang makaka-jam at makakakulitan natin ngayong Sabado, May 23.
Sina Sofia, Althea at Elijah ang bumida sa kauna-unahang Playlist Live mula nang magsimula ang enhanced community quarantine.
Hindi naman magpapahuli ang boys dahil sila ang manghaharana at makakakuwentuhan ninyo sa ikalawang Playlist Live stay-at-home version. Makakasama rin nina Will, Julius at Vince si Elijah bilang host.
Tutok na ngayong Sabado, May 23, 7 P.M. sa GMANetwork.com/Playlist, Facebook pages ng GMA Network at GMA Playlist, GMA Network Twitter account, at GMA Playlist YouTube channel.
Huwag ding kalimutang gamiting ang official hashtag na #PrimaDonnasOnPlaylistLive para makasali sa kuwentuhan!
Althea Ablan, nakatanggap ng 5k na ayuda mula kay Will Ashley?
Elijah Alejo, nilinaw na hindi sila magkaaway ni Jillian Ward
'Prima Donnas' star Will Ashley covers South Border's 'Ikaw Nga'