GMA Logo Faye Lorenzo and Sassa Gurl
What's on TV

Sexy Kapuso Faye Lorenzo, social media star Sassa Gurl makiki-party sa 'Pop Talk'

By Bong Godinez
Published June 11, 2021 7:27 PM PHT
Updated August 12, 2021 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Faye Lorenzo and Sassa Gurl


Kayanin kaya ni Tonipet Gaba na makipagsabayan kina Faye at Sassa Gurl?

Dahil 10th anniversary na ng Pop Talk ay espesyal din siyempre ang mga bisita na makikisaya ngayong Sabado, June 12, kasama si Tonipet Gaba.

Para sa Araw ng Kalayaan ay sasamahan si Tonipet ng ubod ng ganda at super sexy na si Faye Lorenzo ng popular sketch comedy show na Bubble Gang.

Hindi ba choosy si Faye pagdating sa pagkain? Ano kaya ang paborito niyang pagkaing Pilipino? May mga interesting food stories kaya si Faye na ishi-share sa ating lahat? Aabangan natin 'yan.

Photo by: Pop Talk

Itodo na ang saya dahil makiki-food trip din ang sikat na vlogger at TikTok star na si Sassa Gurl a.k.a. Mima.

Patok na patok ang mga videos ni Sassa Gurl sa TikTok, kung saan kasalukuyan na siyang may 88.3 million likes at 2.3 million followers.

Pinakakinagigiliwan ang kanyang mga skit kung saan iba't ibang karakter ang kadalasang ginagampanan ni Sassa Gurl.

Ano kaya ang baong hirit ni Sassa Gurl para sa Pop Talk viewers? Umubra naman kaya kay Tonipet ang pagiging kuwela ng social media star?

Kaya 'wag palampasin ang masayang anniversary special ng “paboritong review show ng bayan” itong Sabado, 9:50 p.m. sa GTV.

Samantala, ito ang ilan lamang sa sexiest photos ni Bubble Gang babe, Faye Lorenzo: