TV

Maglakbay sa buong Pilipinas sa part 2 ng anniversary special ng 'Pop Talk'

By Bong Godinez

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay pugay ng Pop Talk sa pagkaing Pilipino ngayong Sabado, June 19.

Para sa part two ng special anniversary episode ng “paboritong review show ng bayan,” ay uusisain ni Tonipet Gaba and pinakamakukulay na heirloom at ihahain ang mga traditional na putahe mula sa Visayas, Cordillera, Mindoro at Laguna.

Tuklasin ang pinagmamalaking pagkain ng ating mga kababayan sa iba't ibang panig ng bansa na sa isang banda ay pasilip na rin sa natatangi nilang kultura.

Muling sasamahan si Tonipet nina sexy Kapuso star Faye Lorenzo at social media darling Sassa Gurl.

Ano naman kaya ang masasabi nila sa mga pagkain na ihahain sa kanila ngayon? 'Yan at marami pang iba ang dapat abangan.

Panoorin ang Pop Talk ngayong Sabado, 9:50 p.m., sa GTV.

Samantala, kilalanin ang mga katulad ni Sassa Gurl na social media celebrities at ang kanilang mga naipundar na bilang influencers: