TV

WATCH: 'Prima Donnas' stars, thankful sa mga magagandang reviews ng kanilang show

By Cara Emmeline Garcia

Ibang level ang tuwa ng Prima Donnas star na sina Althea Ablan, Sofia Pablo, at Jillian Ward sa magagandang reviews na natanggap nila lalo na sa madamdaming pagtatagpo ng kanilang karakter at ang ina nito.

Prima Donnas

Sa katunayan, ang eksenang iyon umani na rin ng mahigit one million views online.

Malaki ang pasasalamat ng tatlo lalo na't nagkaroon na sila ng kani-kaniyang fan club.

Saad ni Sofia, “Gusto ko pong magpasalamat kasi nga 'di sila nagsasawang suportahan ako.

“Actually, hindi lang po ako pati 'yung show pinapanood nila.”


Bahagi rin ng young stars kay 24 Oras reporter Lhar Santiago, hindi pa raw nagtatapos ang kuwento ng magkakapatid.

“Makikilala na po nila 'yung totoong tatay nila,” ani Althea.

Dagdag pa ni Jillian, “At kung mabubuo na po ba sila o malalayo ulit sila? Ano pong mangyayari sa magkakapatid.”

“At siyempre, kung anong mangyayari kay Brianna pagkatapos niyang mabuking? Kung mapapalayas pa po ba siya o mag-stay?” sambit ni Sofia.

Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:

Emotional reunion sa 'Prima Donnas,' nakakuha ng mahigit 1 million views

Netizens, naantig ang damdamin sa muling pagkikita ng Donnas at ni Lilian sa 'Prima Donnas'