TV

Kasinungalingan ni Brianna | Ep. 114

By Aaron Brennt Eusebio

Sa January 23 episode ng Prima Donnas, hindi na napigilan ni Brianna (Elijah Alejo) na aminin kina Jaime (Wendell Ramos) at Lady Prima (Chanda Romero) na nagsinungaling siya noon.

Ayon sa kanya, kinulong siya sa kulungan ng aso at sumisid sa maruming ilog kaya nagawa niyang magsinungaling.

Upang mahuli ni Lilian (Katrina Halili), tinanong niya si Brianna kung nasaan na ang kulay asul na damit.

Papaniwalaan kaya nina Lady Prima at Jaime ang gawa-gawang kuwento at paliwanag ni Brianna?

Alamin ang sagot at panoorin ang January 23 highlights ng Prima Donnas:

Huwag palampasin ang lalong gumagandang istorya ng nangungunang afternoon drama sa Pilipinas, ang Prima Donnas, pagkatapos ng Magkaagaw.