TV

'Prima Donnas' stars, magpapalit-palit ng karakter mamaya!

By Aaron Brennt Eusebio

Tama na ang pang-aapi kina Althea Ablan at Katrina Halili bilang sina Lilian at Donna Belle dahil sa 'Prima Donnas: Watch From Home' mamaya, July 3, sila ang magiging kontrabida.

Ang aapihin nila ay ang mga kontrabida sa show na sina Elijah Alejo at Aiko Melendez, na gumaganap bilang sina Brianna at Kendra.

Bukod sa kanilang apat, makikisaya rin sa 'Prima Donnas: Watch From Home' mamaya sina Benjie Paras, Wendell Ramos, Miggs Cuaderno, at Eunice Lagusad.

Wag palampasin ang isa na namang masayang kuwentuhan at usapan mamaya sa 'Prima Donnas: Watch From Home,' 5pm sa YouTube Channel, Facebook Page, at Twitter Account ng GMA Network.

RELATED LINKS:

Jillian Ward at Will Ashley, naging sina Kendra at Jaime sa 'Prima Donnas: Watch From Home'

'Prima Donnas' boys, nagpagalingan sa paglalagay ng lipstick habang naka-blindfold