
Stand out ang performance ng young actors sa historical series na Pulang Araw. Isa sa mga hinangaan ay si Cassy Lavarias, na gumanap bilang batang Adelina.
Sa panayam ni Cassy kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras, inamin ng young actress na overwhelmed siya sa natatanggap na mga papuri at pagkilala para sa kaniyang role sa serye.
“Nao-overwhelm po ako sa lahat po ng mga comments po na binibigay po nila sa akin, papuri po, and I just want to say thank you po sa pagsu-support po,” sabi niya.
Ilang netizens din ang pumuna na perfect si Cassy sa role ng batang Adelina lalo na at may pagkakahawig siya kay Barbie Forteza, ang gumaganap sa matandang bersyon ng kaniyang karakter.
“Napakaganda po ni Ate Barbie, napakahusay po niyang umarte, marami po siyang talent, and masaya lang po ako na ako 'yung gumanap bilang young Barbie Forteza po sa Pulang Araw,” sabi ng child actress.
Hindi ito ang unang pagkakataon na gampanan ni Cassy ang batang bersyon ng karakter ni Barbie. Siya rin ang gumanap na batang Monique, ang karakter ng Kapuso Primetime Princess sa GMA romance drama series na Maging Sino Ka Man.
KILALANIN SI CASSY LAVARIAS SA GALLERY NA ITO:
Anim na taon pa lang si Cassy nang magsimula siyang umarte sa TV. Pag-amin niya, matagal na niyang pangarap na maging artista at isa sa mga iniidolo niya ay ang gumaganap na Eduardo sa Pulang Araw na si Alden Richards.
Kuwento ni Cassy, “Na-starstruck po ako, 'di po 'ko makapagsalita nang maayos. Sabi ko, 'Puwede po ba magpa-picture?' 'Yun lang po nasabi ko and nag-thank you po ako kasi pumayag po siyang magpa-picture po sa'kin and just na-starstruck lang po ako kasi [ang] pogi po ni Kuya Alden.”
Ngayon ay marami na rin ang nakakakilala kay Cassy at aniya, may ilan na rin na gustong magpa-picture sa kaniya sa labas.
“Sinasabi po nila, 'Huy, si Pulang Araw!' 'Yun po 'yung tawag po nila sa'kin ngayon, Pulang Araw po,” sabi ng aktres.
Nang tanungin si Cassy kung ano ang nararamdaman niya, sabi ng aktres, “Masaya, grateful, overwhelmed, excited, marami po. Like hindi ko po maintindihan kung ano po 'yung emotion po na [mararamdaman] ko.”
Panoorin ang isa sa mga eksena ni Cassy sa Pulang Araw dito: