GMA Logo David Licauco
What's on TV

David Licauco sa pagiging aktor: 'I'm doing my best'

By Jimboy Napoles
Published October 10, 2024 1:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Maraming trial and error daw ang ginawa ni David Licauco upang mas maging mahusay sa pag-arte.

Masaya si Kapuso actor David Licauco sa mga pumupuri sa kaniyang husay sa pag-arte sa hit family drama ng GMA na Pulang Araw.

Paglalahad ni David sa GMANetwork.com, ibinibigay niya ang kaniyang best sa lahat ng trabahong kaniyang ginagawa, katulad na lamang ng acting na mas minamahal niya pa ngayon.

Aniya, “I'm doing my best in anything I do whether it's business, basketball, or working out, and now it's acting.”

Dagdag pa niya, “Siguro in this teleserye lang kaya siguro nagkaroon ng big shift and kaya rin siguro na-appreciate nila 'yung acting ko is because siguro ang daming trial and error for this show.”

Kuwento pa ng aktor, inaral niya nang mabuti ang iba pang aspekto ng pag-arte para magampanan nang maayos ang kaniyang mga karakter.

“Before, nararamdaman ko naman 'yung mga eksena, it's just that ang problem ko before was 'yung execution, 'yung technicalities of being an actor and before this teleserye, I really practiced, I really studied different films not just locally but 'yung mga international.

“Sa lahat naman ng gagawin natin sa buhay kailangan natin ng neverending learning perspective.”

Sa Pulang Araw, binibigyang buhay niya ang karakter na si Hiroshi Tanaka, isang Japanese immigrant sa Pilipinas na kalauna'y naging isang translator ng Japanese forces na nananakop sa bansa.

Samantala, sa ginanap na campus tour ng Pulang Araw sa Miriam College kamakailan, sinabi rin ni David na masaya siya na mas nagkaroon ng interes ang mga kabataan sa pag-aaral ng history dahil sa kanilang serye na tumatalakay sa kuwento ng mga Pilipino noong World War II.

Aniya, “I'm super happy kasi siyempre 'yun naman din 'yung vision naming lahat -- ng actors, ng production, ng buong GMA na ipakita kung ano 'yung history ng Philippines. So now that we are getting the fruits of our labor and seeing all the positive feedbacks e, yun din naman talaga ang gusto namin.”

Dagdag pa ni David, “Ang gusto lang din talaga namin is for us to be aware of what happened in the past and for them to learn from that and for them to siguro i-apply 'yung mga bagay na nangyari noon sa buhay nila ngayon.

“Siyempre 'yung mga Filipino before ang dami nilang problema and tha gravity of their problems are through the roots and now 'di ba siyempre may mga problema tayo [on a] daily basis, sana may natutunan tayo at ma-apply natin 'yun sa mga problema natin ngayon.”


RELATED GALLERY: David Licauco talks about love, fame, being 'Pambansang Ginoo'