GMA Logo Pulang Araw
What's on TV

'Pulang Araw' earns nomination for Best Soap/Telenovela at the Venice TV Award 2024

By Jimboy Napoles
Published September 25, 2024 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Pulang Araw


Ang Pulang Araw ang nag-iisang Philippine TV series na pasok sa Venice TV Award 2024.

Nominado ang hit family drama ng GMA na Pulang Araw sa Best Soap/Telenovela category sa international Venice TV Award 2024.

Ang Pulang Araw ang nag-iisang Philippine TV series na nakapasok sa nasabing kategorya kung saan katapat nito ang seryeng Golden Boy Season 2 mula sa Turkey, Never Give Up ng Brazil, at Lady of Tides, at Cacau ng Portugal.

Tampok sa nasabing Kapuso series ang kuwento ng apat na magkakababatang sina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards) na namuhay sa Pilipinas noong 1940s sa kasagsagan ng pananakop ng Japanese forces sa bansa kasama ang sundalong hapon na si Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo).

Ang kanilang laban sa buhay ay palalalain pa ng matinding gulo na dala ng World War II.

Ang Venice TV Award ay binubuo ng leading international TV experts mula sa iba't ibang bansa at suportado ng Association of Commercial TV o ACT, European Group of Television Advertising o EGTA, at ng The IMZ International Music + Media Centre.

Samantala, sa isang interview noon, sinabi ng direktor ng Pulang Araw na si Dominic Zapata na ang serye ay nagsisilbing love letter para sa mga Pilipino na dumanas ng hirap noon sa kamay ng mga mananakop.

“I invite you to watch it because this is our network's love letter to the Filipinos and also to our parents, 'yung mga nauna sa atin, 'yung may mga pinagdaanan noon. Panoorin n'yo lang kasi just by watching it nakapag-contribute na kayo doon sa love letter kasi in-absorb n'yo na 'yung istorya,” anang direktor.

Para kay Direk Dom, hindi mamamatay ang kuwento ng mga sinaunang Pilipino at maipapasa pa ito sa mga susunod pang henerasyon dahil sa pagpapalabas ng Pulang Araw.

Aniya, “I want it to keep it in your heart so that when the time comes if you become parents na rin, pakipasa 'yung istorya para alam ng mga kababayan natin no matter far down the line na sila, kung mga apo na sila, alam nila kung sino tayo as people.

“Alam nila kung ano ang ibig sabihin ng puso when we talk about puso this is not just about yung giting natin kapag lumalaban, we're so much more than that, puso is about forgiveness sa mga hapon, forgiveness to each other, 'yung tapang natin, 'yung love natin for each other, 'yung care natin sa family. Filipino is so unique and you'll see it here sa Pulang Araw.”

Subaybayan sa free TV ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: 'Pulang Araw' cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference