
Umiikot ang kwento ng GMA Afternoon Prime series na Raising Mamay sa kondisyon ng bida nitong na-diagnose regressive behavioral disorder.
Malaking parte ito sa pagbuo ng bagong kinaantigang teledrama na pinagbibidahan ng dramatic actress at Comedy Queen na si Aiai Delas Alas, at StarStruck graduate na si Shayne Sava.
Mag-ina sa Raising Mamay sina Aiai at Shayne na magkakapalit ng roles. Lumalabas silang Letty at Abigail.
Si Abigail na ang tumatayong guardian ng Mamay niyang si Letty matapos itong mawala sa normal na pag-iisip sanhi ng severe traumatic brain injury matapos mabaril sa ulo. Nakaapekto rin ang pagtama ng ulo ni Letty sa bato matapos bumagsak nang mawalan nang malay.
Nagkaroon ng transition mula sa adult conduct (normal na pag-uugali ng isang tao) to immature or infantile conduct (pag-uugali ng isang bata) ang pasyenteng may regressive behavioral disorder.
Isa itong rare phenomenon na mailalarawan sa pamamagitan ng long-lasting childish, extremely dependent, at minsan aggressive behavior.
Karaniwan itong napapansin sa mga elderly at psychiatric patients.
Sa kaso ni Letty sa Raising Mamay, tila bumalik sa edad na anim hanggang pitong taong gulang ang kanyang pag-iisip.
Para naman magampanan ni Aiai ang kanyang role, ginabayan siya ng consultant psychiatrist ng GMA Entertainment Group na si Ma. Bernadette Manalo ng Philippine Psychiatric Association.
Si Doc Bernadette din ang consultant ng mga palabas ng GMA na may kinalaman sa pag-iisip ng tao tulad ng Rhodora X, My Special Tatay, at Ang Dalawang Ikaw.
Paliwanag ng espesyalista, "The actuation will be six to seven years old. However, we can let the audience see na kahit six to seven years old siya, may konting parts din do'n na dapat na may confusion siya kasi, siyempre, ang katawan niya hindi six to seven years old, it's just a mental age."
Nagkaroon din ng tsansang makipag-usap si Aiai sa mga batang may edad na pito para makita niya ang mga nuances at expressions nito para sa kanyang character.
Dagdag pa ni Doc Bernadette, "The way she dress up, the way she pick kutsara't tinidor, the way she would play so papakita talaga niya na seven year old siya.
"The way they talk, medyo a little bit slow, may pabebe nang konti compared to normal 40 year old."
Mapapanood ang Raising Mamay mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon sa GMA.
Mapapanood din ang full episode ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Pinapaiyak man ng bidang si Aiai Delas Alas ang mga manonood, kabaliktaran naman ito ng mga mangyayari sa likod ng camera.
Tingnan ang masayang set ng Raising Mamay dito: