Regal Studio Presents

OFW, mabubulaga sa pag-uwi sa 'Regal Studio Presents: Welcome Home'

GMA Logo  Welcome Home

Photo Inside Page


Photos

 Welcome Home



Para sa mga breadwinner ang bagong episode ng 'Regal Studio Presents.'


Pinamagatang "Welcome Home," kuwento ito ng isang OFW na uuwi matapos ang ilang taong pagtatrabaho abroad.

Nakapagpatayo na si Sarah (Liezel Lopez) ng bahay para sa kanyang pamilya at naipagamot na rin ang tatay niya na may sakit.

Napagtapos na rin niya ang kapatid sa college kaya gusto sana niyang mag-focus naman sa sarili.

Dahil natupad na ang mga responsibilidad, gusto nang magpakasal ni Sarah sa boyfriend at magsimula ng sarili niyang pamilya.

Pero sa pag-uwi niya, may matutuklasan siya tungkol sa kanyang pamilya at sa mga bagay na ipinundar niya noong nasa ibang bansa.

Magiging masaya ba ang homecoming ni Sarah?

Huwag palampasin ang brand-new episode na "Welcome Home," August 9, 2:00 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'


Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.


Silipin ang ilang mga eksena ng episode sa gallery na ito:


Liezel Lopez
John David
Homecoming
Fiancee
Lies
Plans
Welcome Home

Around GMA

Around GMA

2 cops accused of harassing criminology interns in CDO
DBM releases P1B for Project NOAH AI-powered flood forecasting
Moonstar88 reflects on their much-anticipated comeback