GMA Logo Mikael Daez and Megan Young's last scenes in Royal Blood
What's on TV

Mikael Daez at Megan Young, ramdam ang 'royal' heartbreak sa last scenes sa 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published September 21, 2023 5:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Mikael Daez and Megan Young's last scenes in Royal Blood


Alamin ang huling mga eksenang kinunan nina Mikael Daez at Megan Young para sa 'Royal Blood' dito.

Intense at heartbreaking ang mga huling eksenang kinunan ng celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young sa hit murder mystery series na Royal Blood.

Sa kani-kanilang Twitter posts, binalikan nina Mikael at Megan ang last scenes na kinunan nila para sa serye na napanood sa "Breaking Point" episode noong Miyerkules, September 18.

Ayon kay Mikael, kinunan ang huling eksena niya sa Royal Blood ng alas-6 ng umaga. Ito ay nang magising na si Kristoff (Mikael) mula sa car accident na nangyari sa kanila ni Diana (Megan). Dito, ipinaalam sa kanya ni Emil (Arthur Solinap) na paralisado na ang kalahati niyang katawan mula bewang hanggang paa. Nalaman din ni Kristoff na na-comatose si Diana dahil sa aksidente.

"This was the very last scene shot for [Royal Blood]. It was [6:00 a.m.] and the sun was already shining. I wanted to make sure I squeezed in one last "the hell" para kay Kristoff. Labyu [Arthur Solinap], ikaw ang nakatanggap nu'n," kuwento ni Mikael

Binalikan din ni Megan ang huling eksenang kinunan nila ni Mikael sa serye kung saan sapilitang isinama ni Kristoff si Diana sa sasakyan nito matapos na ipagtapat ng huli na hindi niya anak si Archie (Aidan Veneracion) at anak ito ni Napoy (Dingdong Dantes).

Sabi ni Megan, "This was the last scene we shot as Kristoff and Diana Royales. It was chilling to hear him say these lines. I resonate with the Royalistas. I really despise Kristoff... but I love Fofo so much hahahaha."

Dagdag pa ni Megan, "grabe" din ang bigat para sa kanya ng episode 68 ng Royal Blood. "What a Royal Heartbreak for Royal Blood. We are down to our last two days of our show and I can't wait for you to witness the artistry we have prepared for you all."

Balikan ang ginawang pag-amin ni Diana na anak ni Napoy si Archie sa gallery na ito:

Silipin naman ang bonding moments ng mag-inang Archie at Diana:

Patuloy na subaybayan ang kapana-panabik na huling dalawang gabi ng Royal Blood, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.