TV

Netizens, nag-react sa killer reveal nina Gustavo at Diana sa 'Royal Blood'

By Aimee Anoc

Umaani ngayon ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang kalalabas lamang na killer reveal ng Royal Blood kung saan makikita ang reaksyon ng cast nang i-reveal na sa kanila ang tunay na pumatay kay Gustavo at maging sa bumunot ng life support ni Diana.

Nalaman lamang ng cast kung sino ang pumatay kay Gustavo (Tirso Cruz III) sa finale script reading ng Royal Blood noong August 15, 2023. Kitang-kita ang pagkabigla ng cast nang mabunyag na magkasamang ginawa nina Margaret (Rhian Ramos) at Diana (Megan Young) ang paglason kay Gustavo.

Pero hindi pa rito natatapos ang rebelasyon dahil ipinakita na rin sa script reading na mayroong tatapos sa buhay ni Diana habang comatose ito. Hindi ipinaalam sa cast kung sino ang pumatay kay Diana at sa halip ay pinaboto sila kung sino sa tingin nila ang gumawa nito.

Itinago sa cast kung sino ang killer ni Diana at nalaman lamang nila ito sa finale episode ng Royal Blood noong September 22 kung saan nagkaroon sila ng "Watch Party."

Laking gulat ng cast na si Louie (James Graham) ang bumunot ng life support ni Diana. Mayroong tatlong version ng ending ang Royal Blood kung saan bukod kay Louie ay pina-shoot din ang eksenang ito kina Beatrice (Lianne Valentin), Cleofe (Ces Quesada), at Napoy (Dingdong Dantes).

Para sa ilang netizens, mas "fit" at may "sense" na si Louie ang pumatay kay Diana dahil na rin sa pagkasira ng pamilya nito at pagkamatay ng amang si Andrew (Dion Ignacio).

BALIKAN ANG HULING PASABOG SA FINALE EPISODE NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: