TV

Lianne Valentin on bringing Beatrice Royales to life: 'I'll make her own world'

By Aimee Anoc

Binalikan ni Sparkle actress Lianne Valentin kung paano niya binigyang buhay si Beatrice Royales sa hit murder mystery series na Royal Blood.

Sa interview sa podcast ng celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young na kapwa co-stars niya sa nasabing serye, ikinuwento ni Lianne ang reaksyon nang ialok sa kanya ang role sa Royal Blood.

"Sabi kasi sa akin nu'ng in-offer sa akin 'yung project o 'yung role, kontrabida, 'yung lang. Kontrabida, that's it. So, I was like, what kind of kontrabida?" sabi niya.

"So, sabi lang sa akin, black sheep of the family. 'Yung description ng characters natin mismo, black sheep of the family, may secret, very rebel, ganyan. Sabi ko, 'Oh, so ano, typical na alam mo 'yun, ganun lang 'yung description.

"Tapos nung nabasa ko 'yung buong story natin nung nag-storycon tayo na [maraming] nangyayari, sabi ko, 'Hindi pwedeng ganito lang 'to.' So, kung wala silang mabibigay sa akin, I'll make her own world."

Ibinahagi rin ni Lianne ang sagot nung una kapag tinatanong siya kung nakaka-relate ba siya kay Beatrice. Aniya, "Sabi ko, 'Hindi.' Kasi 'yun 'yung time na una pa lang.

"Pero ngayong tapos na tayo... sabi ko, 'Hindi, nakaka-relate pala ako kay B. Kasi personally how I see B, like ano lang siya e, she's a kid din. Like, lumaki lang siya sa isang pamilya na very strong 'yung mga personality, na kailangan niyang makisabay kasi kapag hindi siya nakisabay, she [will fall].

"'Yun 'yung kumbaga parang mantra rin ng family ng Royales e, bawal kang maging mahina kasi isa kang Royales. Ang Royales hindi mahina. So parang sabi ko, 'Oo nga, ganito 'yung character niya, bata siya, gusto n'ya lang naman ng pamilya, or like ng mga taong magmamahal sa kanya, and tatanggapin siya for who she is."

Ikinuwento rin ng aktres kung paano nito naipakita ang comedic side ni Beatrice.

"'Pag binabasa mo 'yung scenes na there like 'yung lines ko, wala siyang masyadong ganun e. Pero it's the way na lang I deliver it. So parang sabi ko, 'Hindi, gusto ko ng parang nakakatawang side ni B na mapapakita ko," sabi ni Lianne.

Sa Royal Blood, napanood si Lianne bilang ang materialistic at superficial na bunsong anak ni Gustavo Royales (Tirso Cruz III) at half-sister ni Napoy (Dingdong Dantes).

Panoorin ang buong interview ni Lianne sa podcast nina Mikael at Megan sa video na ito: