advertisement
TV

Off-cam kulitan ng 'Royal Blood' actors

1 of 15

Closeness

Madalas mang intense ang kanilang mga eksena on-cam, hindi pa rin mawawala ang kulitan at masayang bonding ng cast off cam sa set ng Royal Blood.

2 of 15

Familia Royales

Ang pamilyang gabi-gabing nagpapakaba sa GMA Telebabad.

3 of 15

Reunion

Karamihan sa cast ng Royal Blood ay nakatrabaho na ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Kuwento ng aktor, "'Yung cast karamihan sa kanila nakasama ko na in other projects, so I consider this a reunion. I'm happy to be working with them again."

advertisement
4 of 15

Megan Young, Tirso Cruz III, and Aidan Veneracion

Kuha ang larawan na ito nang balikan ni Diana (Megan Young) ang naiwan na laruan ni Archie (Aidan Veneracion) sa playhouse, kung saan naghihintay si Gustavo (Tirso Cruz III) sa pagdating ng taong sumaksak sa kanya.

5 of 15

Benjie Paras, Dingdong Dantes, and Rabiya Mateo

Tila na-enjoy ni Otep (Benjie Paras) ang pa-merienda sa mansyon.

6 of 15

Mikael Daez and Megan Young 

Ito ang pangalawang pagkakataon na nagkasama sa iisang serye ang celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young. Una silang nagkasama sa GMA Afternoon Prime series na 'The Stepdaughters' noong 2018.

advertisement
7 of 15

Megan Young and Rabiya Mateo

Ayon kay Rabiya Mateo, masaya at excited siya sa pagkakataon na makatrabaho si Megan Young sa iisang serye, ang kanyang "queen inspiration" mula pa noong highschool.

8 of 15

James Graham and Rhian Ramos

Gumaganap si James Graham bilang Louie, anak ni Andrew (Dion Ignacio) na tinanggap ni Margaret (Rhian Ramos) na parang tunay niya na ring anak.

9 of 15

Lee Victor, James Graham, Princess Aliyah, and Aidan Veneracion

Close na close din ang Sparkle Teens na sina (mula kaliwa) Lee Victor, James Graham, Princess Aliyah, at Aidan Veneracion.

advertisement
10 of 15

Tirso Cruz III and Dingdong Dantes

Kapwa masaya sina Tirso Cruz III at Dingdong Dantes na muling makatrabaho ang isa't isa. Una nang nagkasama ang dalawang aktor sa GMA series na Sana Ay Ikaw Na Nga noong 2022 at Endless Love noong 2010.

11 of 15

Kristoff and Diana

Kabilang din ba kayo sa mga naghihinala na maaaring na kina Kristoff (Mikael Daez) at Diana (Megan Young) ang pumatay kay Gustavo Royales (Tirso Cruz III)?

12 of 15

Rhian Ramos and Dion Ignacio

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapareha ni Dion Ignacio sa iisang serye si Rhian Ramos. Dahil dito, hindi naiwasan ng aktor na "ma-intimidate at kabahan" sa unang mga eksena nila ng aktres.

advertisement
13 of 15

Rhian Ramos

Umaani ngayon si Rhian Ramos ng papuri mula sa Royal Blood viewers dahil sa "intense," "magaling," at "halimaw" nitong pagganap bilang Margaret.

14 of 15

Napoy, Lizzie, and Tasha

Kapansin-pansin din ang closeness ni Sienna Stevens sa kanyang Tatay Napoy, na ginagampanan ni Dingdong Dantes, at Ninang Tasha, na binibigyang buhay naman ni Rabiya Mateo.

15 of 15

Katiwala ng mga Royales

Maging ang mga katiwala ay hindi nagpapahuli sa kulitan.

advertisement