Isa sa pinakapaboritong kaeksena ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa katatapos lamang na hit murder mystery series na Royal Blood ay ang cute na cute na on-screen daughter niyang si Sienna Stevens.
Sa podcast ng celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young na kapwa co-stars ni Dingdong sa Royal Blood, ibinahagi ng aktor na marami siyang paboritong kaeksena sa serye pero ang pinakapaborito niya sa lahat ay ang anak na si Lizzy, na ginampanan ni Sienna.
"It would have to be Lizzy," sabi ni Dingdong. "Kasi syempre, minsan kapag 'yung dialogue... kasi kapag Tagalog nahihirapan siya minsan du'n sa Tagalog kasi English talaga 'yung unang language niya, so tinutulungan namin siya sa Tagalog although ang galing na ng pagkaturo sa kanya ng mom niya.
"Pero may parang kaunting assisting on the side and I like it because it reinforces the father-and-daughter imagery and the dynamics. Gusto ko 'yun kasi mas dumadali 'yung performances as an actor bilang tatay ni Lizzy. Plus the fact that I can feel... kapag nakikita niya ako talagang excited siyang makita ako. Sobrang bibong bata and sobrang talented.
"Siya rin kasi nagsimula 'yung story, siya 'yung madalas na unang kasama ko. And dahil siya 'yung pinakabata... Kasi syempre, tayo, 'pag adults, iba na 'yung experience kaya para sa akin ibang experience working with a kid. Plus the fact na very close to home din because I also have a seven year old, so it would have to be Lizzy."
Balikan ang ilang father-and-daughter moments nina Dingdong Dantes at Sienna Stevens sa set ng Royal Blood sa gallery na ito:
Miss niyo na rin ba ang father-and-daughter moments nina Dingdong Dantes at Sienna Stevens sa Royal Blood?
Sa Royal Blood, gumanap sina Dingdong Dantes at Sienna Stevens bilang ang mag-amang Napoy at Lizzy.
Ayon kay Dingdong Dantes, isa sa pinakapaborito niyang kaeksena sa Royal Blood ay ang on-screen daughter niyang si Sienna Stevens.
Kitang-kita ang closeness nina Dingdong Dantes at Sienna Stevens sa set ng Royal Blood.
Ilan sa advice ni Dingdong Dantes para kay Sienna Stevens ay "read more." Sabi ng aktor, "Pero 'yung totoong books, ah. Pwede rin naman 'yung sa digital pero iba pa rin talaga 'yung sa books."
Dagdag na payo rin ni Dingdong kay Sienna, "Engage more into sports. Kasi kapag seven years old,iyon 'yung magandang simula."
"Finally, siguro love your parents and your siblings more," payo ng aktor para kay Sienna.
Ayon kay Dingdong Dantes, isang bibo at talented na bata si Sienna Stevens.
Masaya si Dingdong Dantes na naging on-screen daughter sa Royal Blood si Sienna Stevens. Kuwento ng aktor, "I can feel... kapag nakikita niya ako talagang excited siyang makita ako."
"Close to home" para kay Dingdong Dantes kapag nakakaeksena si Sienna Stevens dahil tulad niya ay mayroon din siyang seven-year-old daughter, si Zia.