TV

May bagong love team sa 'Running Man Philippines'?

By Aedrianne Acar

Mukhang may bago tayong team up na aabangan sa Running Man Philippines, dahil agaw atensyon sa viewers ang “Bu-Koy” sa Saturday episode.

Sa pagpapatuloy ng Territory Race nitong October 15, nasaksihan ng Pinoy Runners ang pagsabak ng Blue Team na binubuo nina Buboy Villar, Lexi Gonzales, at Kokoy de Santos na gawin ang Flying Toast mission para makakuha ng missing puzzle piece para sa kanilang Philippine map.

Caught on camera ang naging strategy nina Buboy at Kokoy para makuha ang tinapay mid-air, ngunit hindi sinasadya na mag-tama ang kanilang mukha.

Sablay man, kinaaliwan naman ng netizens ang nangyari at sinabing good vibes ang dalawa na tinawag na nilang Bukoy.

Post ni Miriam Soriano sa Facebook, “Grabe tawa ko sa inyo Buboy at Kokoy sakit sa tiyan.”

Hirit naman ni Maria Jo, “BuKoy for the win.”

Kung nabitin kayo sa Running Man Philippines last October 15, tingnan ang iba pang highlights sa trending episode ng reality show DITO.

HOTTEST PHOTOS OF THE RUNNING MAN PH BOYS: