TV

WATCH: Bianca Umali and Miguel Tanfelix take up freediving lessons for 'Sahaya'

Sa pagpasok ng 2019, unang nagkasama ang magka-loveteam na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix para sa taping nila sa weekly show na Daig Kayo Ng Lola Ko.


Tinuturing ng dalawa na parang "warm-up" ang taping nila ngayon para sa upcoming serye nilang Sahaya, kung saan mas mabigat ang mga eksena, at mas mahirap ang mga training na gagawin nila.

Kabilang dito ay ang pag-aaral ng freediving.

Sabi ni Miguel, "Una syempre medyo mahirapan po kayo. And masakit sa tenga kasi yung pressure under water. Pero kailangan po ng praktis, kailangan po ng knowledge about sa freediving."

Kuwento naman ni Bianca, "Nag-scuba diving po ako. Pero yung mag-freediving, hindi ko po... ginawa ko po siya for fun pero hindi ko po inakala na darating po ako sa point na kakailanganin ko po siyang gawin."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: