TV

WATCH: Bianca at Miguel, nais ipakita ang kultura ng mga Badjaw sa 'Sahaya'

By Cara Emmeline Garcia

Opisyal na binuksan ang media conference ng epic drama series na Sahaya sa pamamagitan ng isang pagtatanghal nina Kapuso stars Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Miguel Tanfelix & Bianca Umali

Itinanghal ng dalawa ang traditional dance sa Sulu Province na Pangalay.

Habang pinapanood, kitang-kita ang ilang buwan nilang pagsasanay sa bawat galaw ng katawan at pilantik ng kanilang kamay.

Sa mediacon, ipinakita rin ang iba't ibang eksenang aabangan sa serye.

Ayon kay Miguel, nagbunga daw ang lahat ng kanilang pinaghirapan nang makita nila ang mga eksenang i-dinirek ni Zig Dulay.

Direk Zig Dulay, saksi sa dedikasyon ni Bianca Umali sa 'Sahaya'

“Sobrang haba ng preparation namin ni Bianca at in-effort-an po namin nang sobra-sobra.”

Sa pamamagitan ng Sahaya, nais nilang ipakita ang mayamang kultura at buhay ng mga Badjaw.

Kuwento ni Bianca, hindi lamang isang love story ang makikita sa inaabangang Kapuso series.

“Ang Sahaya po ay tungkol sa lahat ng aspekto ng buhay.”

Kilalanin ang mga gaganap sa Sahaya sa chika ni Aubrey Carampel:

Makakasama nina Bianca at Miguel sa Sahaya sina Eric Quizon, Zoren Legaspi, Mylene Dizon, Pen Medina, Jasmine Curtis-Smith, Snooky Serna, Anna Roces at Ashley Ortega.

WATCH: Pasilip sa tinatayong full-scale kampong na magiging set ng 'Sahaya'