TV

Sarap, 'Di Ba?: Boyet ng 'My Special Tatay,' dream role ni Ken Chan

By Maine Aquino

Inamin ni Ken Chan ang kanyang Christmas wish ngayong 2018 sa kanyang pagbisita sa Sarap, 'Di Ba?

Ken Chan on Sarap 'Di Ba?

Ani ng My Special Tatay actor ay isa lamang ang kanyang wish at ito ay paggaling ng kanyang ama. Aniya, "Ang wish ko sa araw araw, maging cancer-free 'yung tatay ko. 'Yun lang wala ng iba."

Ang isang wish pa umano ni Ken ay natupad na kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa GMA Network.

"'Yung isa natupad na, 'yung My Special Tatay. Dream role ko talaga 'yun eh so I'm so blessed and thankful na nabigay sa akin ng GMA Network 'yun."

Panoorin ang kanilang unli kuwentuhan mula sa December 15 episode ng Sarap, 'Di Ba?