TV

LOOK: Mavy Legaspi, may pinaghahandaang challenge

By Maine Aquino

Ipinakita ni Mavy Legaspi na competitive siya pagdating sa challenges na ibinibigay sa kanya.

Mavy Legaspi


Sa Sarap, 'Di Ba? mapapanood ang Sarap Cook-Off kung saan kailangan i-recreate nina Mavy at Cassy Legaspi ang ilang recipes ng iba't ibang chefs. Dahil dito, nagsimula na si Mavy sa paghasa ng kanyang cooking skills.


Para sa practice dish ni Mavy ay nagluto siya ng pasta. Saad niya sa kanyang Instagram post, "4 cheese bacon and mushroom pasta. Practicing for future @sarapdibagma episodes."




Sino ang magwawagi sa mga susunod na Sarap Cook-Off? Abangan tuwing Sabado ng umaga at 10:45 a.m. sa Sarap, 'Di Ba?