TV

Carmina Villarroel, magbibigay ng regalo para sa mga happy nanay

By Maine Aquino

Si Carmina Villarroel at Sarap, 'Di Ba? ay naghahanap ng happy nanay na kanilang bibigyan ng espesyal na regalo.

Carmina Villarroel

Ayon sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page, nais nilang makilala ang mga happy nanay na may inspiring stories. Para makasali ay kailangan lamang mag-upload ng 3-minute vlog para ibahagi ang inspiring na kuwento at makilala ang happy nanay na nais bigyan ng regalo.

Ang mapipiling istorya ay bibigyan ng Happy Nanay award. Ang nag-submit ng kuwento at ang Happy Nanay sa video ay makakatanggap ng special gift mula sa Sarap, 'Di Ba?

Para sa kabuuang mechanics ng pagsali, bisitahin lamang ang Facebook post ng Sarap, 'Di Ba?