Showbiz News

Carmina Villarroel, may vlog ng 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition'

By Maine Aquino

Masayang taping ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition ang ipinakita ni Carmina Villarroel sa kanyang latest vlog.

Sa video ni Carmina ipinakita niya kung paano sine-set up ng kanilang pamilya ang kanilang filming equipment para mag-shoot ng kanilang programa. Ang asawa niyang si Zoren Legaspi ang tumatayong direktor ng Bahay Edition.


Ang twins naman na sina Mavy at Cassy Legaspi ay tumutulong sa pag-set up para sa kanilang taping sa bahay.

Ipinakita rin ni Carmina ang ilang mga ginagawa nila bago mag-shoot tulad ng paglipat ng location, paggawa ng script, at iba pa. Kasama rin nila ang kanilang mga kasambahay para sa masayang taping day.

Ibinahagi naman ni Zoren bakit may ilaw at iba pang equipment na naka-ready sa kanilang bahay.

"Kasi dati, ang balak ko talaga magkaroon ng sarili kong production. Also to shoot mga commercials, mga low budgeted commercials using my own equipment na... 'yun 'yung balak ko dati mga indie commercials.

Dagdag pa ni Zoren, "Itong mga tripod na 'to mga professional tripod na 'yan, pero itong ilaw ko kumbaga old style na klaseng ilaw to. It's not the LED type na magaan, na hindi mainit. Ito medyo may pagkamainit pa eh."

Ayon naman kay Carmina okay lang na old type ang kanilang gamit, ang importante umano ay may napapakinabangan silang ilaw sa shoot.

"'Di bale na, at least nagagamit natin. Eventually pag-ano mag-invest na lang sa LED."

Panoorin ang kanilang masayang bonding at taping sa vlog ni Carmina.


Carmina Villarroel, magkakaroon ng birthday celebration sa 'Sarap, 'Di Ba?'

Carmina Villarroel gumawa ng fishball sauce sa kanyang YouTube channel