TV

LOOK: 'StarStruck' weekend sa 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino


Makikisaya ngayong October 5 sa Sarap, 'Di Ba? ang Starstruck Season 7 First Prince & Princess na sina Allen Ansay at Lexi Gonzales at ang Ultimate Male and Female Survivors na sina Kim De Leon at Shayne Sava.

Sara 'Di Ba?

Sila ang makakasama nina Carmina Villarroel, Cassy, and Mavy Legaspi sa isang fun morning chikahan.

Ituturo naman ng choreographer na si Geleen Eugenio sa StarStruck teens ang popular '80s moves. Plus, ang Starstruck journey host na si Kyline Alcantara at Season 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer ay sasali rin sa paggawa ng homemade popular drink prep session.

Abangan ang fun Saturday morning bonding na ito ngayong October 5, 10:45 a.m. sa Sarap, 'Di Ba?