TV

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, magre-reminisce ng kanilang love story sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition'

By Maine Aquino

Valentine's Day weekend na at may simple celebration na inihanda ang Legaspi famkada sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

Ngayong February 13, may special weekend bonding sina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy at Zoren Legaspi sa kanilang bahay to celebrate Valentine's Day.

Sina Mavy at Cassy ay may inihandang cute challenge kina Zoren and Carmina para mag-reminisce ng kanilang love story.

Photo source: Sarap Di Ba Bahay Edition

Makakasama rin sa episode na ito si Yasmien Kurdi para ibahagi ang kanilang weekend family bonding sa bahay. Kasama ang kanyang na si Ayesha, gagawa naman sila ng cute na Valentine's Day card.

May espesyal na dish pang ituturo ang aktres. Ito ay ang garlic shrimp tomato pasta na puwedeng ihahanda ngayong Valentine's Day weekend.

Abangan ang fun family bonding na ito pati na rin ang kanilang inihandang P5K Giveaway ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.

Related content:

Mavy at Cassy Legaspi, humingi ng relationship advice kay Barbie Forteza

Zoren Legaspi, gustong makatulong sa ibang tao sa kanyang kaarawan