
Sa Valentine's Day special ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition, nagkaaminan sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ng ilang mga detalye tungkol sa kanilang love story.
Ang Kapuso celebrity couple ay tinanong ng relationship questions ng kanilang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Isa sa kanilang inalam sa love story ng kanilang parents ay kung kailan nila nalaman na nahanap na nila ang “the one” sa isa't isa.
Pag-amin ni Carmina, “Noong nawala siya.”
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition
Ipinagpatuloy ni Carmina na nalalaman niyang si Zoren ang kanyang the one nang maghiwalay sila noon.
“Kasi parang nag-break kami for a while e.
“So noong nawala siya, doon ka na-realize na... 'di ba 'yun nga 'yung sinasabi nila na kapag nawala na, madami kang realizations when the person is gone.”
Sa pansamantalang paghihiwalay nila ni Zoren ay na-let go niya ang kanyang the one.
“Noong nag-break kami ni Zoren for a while, doon ka na-realize na 'oh my gosh. he's the one.'"
Ipinagpatuloy naman ni Zoren ang kuwento ng paghihiwalay nila noon ni Carmina.
Saad ng aktor, “Matagal na e. Natatandaan ko nag-break kami. Pero never kasi kami naging mag-on. Never kami naging boyfriend and girlfriend.”
Dugtong pa ni Carmina, kahit naghiwalay sila noon hindi naman talaga sila nagkaroon ng ligawan pati na rin boyfriend and girlfriend stage sa kanilang relasyon.
“Wala kaming boyfriend and girlfriend stage. Wala siyang ligawan stage.”
“Parang bestfriend chuchu,” dugtong ni Zoren.
Itinanong naman ni Mavy kung ano ang isang memory na gusto ma-treasure o maitago sa pagsasama nina Carmina at Zoren.
Saad ni Carmina, “'Yun yung having both of you in our lives and then we were in the States pa so parang kami talagang dalawa.
"Kami lang talagang dalawa; wala kaming choice kung hindi to take care of you and to look out for each other.”
Matatandaang nanirahan noon sina Carmina at Zoren sa Amerika at iniwan nila ang kanilang showbiz careers. Sa Amerika tumira ang celebrity couple pagkatapos ipinanganak sina Mavy at Cassy.
Kuwento pa ni Carmina, ang kanilang paninirahan sa Amerika ang nagpapatatag ng kanilang pagsasama at ang pagiging magulang kina Mavy at Cassy.
"Kaya siguro naging well bonded kami ni Tatay because ibang klase din 'yung pinagdaanan namin sa Amerika. I'm not saying that it's all hardships, of course may paghihirap. That's what makes our relationship e."
Panoorin ang buong kuwento nina Carmina at Zoren sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Bukod kina Carmina at Zoren, kilalanin ang iba pang celebrity couples who will make you believe in forever:
Mavy at Cassy Legaspi, humingi ng relationship advice kay Barbie Forteza
Zoren Legaspi, gustong makatulong sa ibang tao sa kanyang kaarawan