TV

Sarap, 'Di Ba: Masayang bonding with Boobay, Prince Clemente, Carlo San Juan, at Jessica Villarubin

By Maine Aquino

Isang Sabadong puno ng tawanan at nakakabusog na kainan ang napanood noong November 26 sa Sarap, 'Di Ba?

Napanood ang masaya at makulit na bonding nina Carmina Villarroel at Cassy Legaspi kasama ang guests nilang sina Boobay, Prince Clemente, Carlo San Juan, at Jessica Villarubin.

Sa episode na ito, humarap ang Kapuso stars sa masasayang games at naghanda pa sina Carmina at Cassy ng masarap na Herb Crusted Tilapia Fillet para sa kanilang bisita.

Patuloy lamang na tumutok sa Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa livestream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel.

Huwag na huwag ding palalampasin ang pagsali sa Sarap, 'Di Ba? 5K Giveaway!