
Puno ng suporta at pagmamahal ang magkapatid na sina Mavy at Cassy Legaspi sa isa't isa sa kanilang kaarawan.
Nitong January 7 ay nag-celebrate ang Legaspi twins ng kanilang birthday sa espesyal na episode ng Sarap, 'Di Ba? Dito inilahad nina Mavy at Cassy ang kanilang mensahe para sa kanilang 22nd birthday.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Saad ni Mavy ay sana matupad ni Cassy ang mga pinapangarap niya sa buhay.
"Sana matupad lahat ng dreams niya. Tapos lahat ng challenges na ma-face niya sana ma-face niya lahat ng consequences or struggles, sana she'll get over it.
Dugtong pa ni Mavy, "I hope na she stays happy and I also hope that she reaches all her goals and dreams in life."
Proud naman si Cassy sa mga ginagawa ni Mavy sa kaniyang showbiz career.
"I am very proud of you, I am very proud of my brother 'cause he's come a long way and super hardworking siya."
Saad pa ni Cassy, "We're proud of you and we're always here for you."
Happy birthday, Legaspi twins!
BALIKAN ANG ILANG PHOTOS AT ACHIEVEMENTS NINA MAVY AT CASSY: