TV

Eugene Domingo, mangangapit-bahay sa 'Sarap Diva'

By CHERRY SUN

Bibisita ngayong Sabado (February 20) sa Sarap Diva ang Dear Uge star na si Eugene Domingo at ang kanyang bestfriend-side kick na si Divine Aucina.

Mula sa kantahan hanggang kwentuhan ay makakasama ng Cooking Diva na si Regine Velasquez si Uge.
 

 

 

 

 

 

 

 


Syempre, makakasalo rin si Uge sa kusina.

 

 

 

 

 


Para makasali sa saya at kwentuhan, tutok na ngayong Sabado, 10:40 A.M. sa GMA Network. Gamitin din ang hash tag na #DearUgeonSD.