TV

WATCH: Regine Velasquez, binigyan ng jacket ang DonEkla

By CHERRY SUN

Dinala ng tambalang DonEkla nina Donita Nose at Super Tekla ang kanilang brand of comedy sa Sarap Diva.

Naging guest ni Regine Velasquez ang dalawang komedyante. Ang Asia’s Songbird naman ang nagbigay ng jacket kina Donita Nose at Super Tekla bilang paraan para lalo silang makilala.

Ani Super Tekla nang makita ang litrato ng kamoteng kahoy, “Alam mo ‘yan ang bumuhay sa amin ate noong sa probinsya kasi most ‘yung tinatanim namin is mga root crop, kamoteng kahoy. Totoo, sine-sell namin ‘yan sa bayan, binebenta.”

Bahagi naman ni Donita Nose nang mabunot ang litrato ng isang janitor, “Naging janitor ako before. Kasi nagkasakit ‘yung father ko noon, medyo talagang sobrang hirap ng buhay namin. Halos lugaw na lang kinakain namin araw-araw so kailangan namin magtrabaho. Nag-apply kaming tatlong magkakapatid, mga lalaki. Ako pinakabata, 17 lang ako noon. So nagpamin-pamin ako ng slight pero alam nilang bakla ako pero medyo tinigasan ko.”

Maliban dito ay nagbahagi rin si Donita Nose tungkol sa kanyang ilong, si Super Tekla tungkol sa kanyang anak na si Aira, at ang dalawang komedyante tungkol kay Willie Revillame.

Panoorin ang nakakatuwang kuwentuhan nila rito:

MORE ON DONITA NOSE AND SUPER TEKLA:

WATCH: DonEkla, ang bagong funny tandem sa Wowowin 

MUST-READ: Donita Nose, umahon mula sa pagtitinda sa palengke sa pagiging Wowowin host

MUST-READ: Ang tunay na buhay ni Super Tekla