TV

WATCH: Sibling goals featuring Sanya Lopez, Jak Roberto, Rocco Nacino, and Kyle Nacino sa 'Sarap Diva'

By Maine Aquino

Nasubok ang kakulitan nina Sanya Lopez, Jak Roberto, Rocco Nacino at Kyle Nacino sa ilang challenges na ginanap sa Sarap Diva nitong Sabado, July 15. 

Ginaya nila ang ilang viral videos na nag-trend sa social media bilang challenge ni Regine Velasquez-Alcasid. Kasama rin nila sa challenge na ito sina Super Tekla at Inday.

 

Sa bagong segment ng Sarap Diva na "Drama Diva sa Umaga" ay bumida si Tekla kasama ang magkakapatid.

 

Sina Rocco at Sanya naman ay nagturo ng Chicken Balls with Misua na perfect sa rainy days.

 

Parte rin ng morning chikahan ang kuwento ni Tekla. Ibinahagi ng Sarap Diva ang tunay na dahilan ng kanyang pagkawala.

WATCH: Tekla, nasa moving on stage pa rin daw ng pagkawala sa 'Wowowin'

Samahan si Regine every Saturday morning in Sarap Diva.